CAUAYAN CITY- Inaresto ang isang magsasaka na umanoy nagtangkang magpuslit ng 2.6 milyon pesos na halaga ng marijuana Dangoy,Tinglayan,Kalinga.
Ang pinaghihinalaan ay si Ersilias Baccoy, 36 anyos at residente ng Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga.
Pinangunahan ang operasyon ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit -Provincial Intelligence Unit, Lubuagan Police Station 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit at RID-PROCOR na nagresulta sa pagkakaaresto ng pinaghihinalaan.
Tinangka pa ng pinaghihinalaan na takasan sakay ng kanyang motorsiklo ang mga awtoridad na nagmamando ng checkpoint ngunit siya ay tinugis at nadakip.
Nakuha sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang 22 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa isang transparent plastic na may timbang na 22,000 grams at P2.640 million.
Nakuha rin sa pinaghihinalaan ang ang motorsiklo at backpack na naglalaman ng mga presonal nitong kagamitan.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa pinaghihinalaan na nasa pangangalaga na ng mga awtoridad.