-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nadiskubreng droga sa ginibang kusina ng lumang kainan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Nadiskubre ng mga karpintero ang droga ng binaklas nila ang kusina kung saan nakasilid ito sa tatlong pakete.
Maaaring matagal na ito ng nakatago dahil sa kupas na ang nasabing plastic bag.
Ang nasabing droga na may bigat ng hanggang 1.5 kilos ay nagkakahalaga ng P11.5 milyon.
Nakipag-ugnayan na ang PDEA at Philippine National Police-Aviation Security Group sa Manila Internatioanl Airport Authority ukol sa nasabing nadiskubreng droga.