-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Customs na aabot sa mahigit Php10-billion na halaga ng mga ilegal na droga ang kanilang nasabat noong nakalipas na taong 2022.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Department of Financ na nasa kabuuang Php10.2-billion ang halaga ng ilegal na droga ang kanilang nakumpiska noong nakaraang taon.

Bukod dito ay nasa Php2.45-billion ang pawang mga counterfeit products, habang nasa Php1.9-billion naman ang mga nasabat na smuggled agricultural products, at nasa Php458-million ang smuggled cigarette products.

Ayon pa sa ahensya, nagawang ma-improve ng BOC ang kanilang trade facilitation sa pamamagitan ng National Single Window system na nag i-streamline ng mga data upang matugunan ang lahat ng mga import, export, at transit-related regulatory requirements.

Samantala, bukod dito ay iniulat din ng DOF na noong taong 2022 ay nagawa nitong makapaglabas ng 24 show-cause order laban sa mga tiwaling empleyado ng kanilang kagawaran, habang nasa kabuuang 175 na mga indibidwal naman ang isinailalim ng ahensya sa kaukulang imbestigasyon, at lima naman ang kinasuhan na ng administratibo.