-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naipamigay na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Laoag ang mahigit P1.7-milyon na Special Risk Allowance (SRA) sa mga 82 na empleyado ng Laoag City General Hospital (LCGH).

Ito ay matapos ang ilang buwang pagkakaantala dahil sa iba’t-ibang dahilan.

Mismong si Mayor Michael Marcos-Keon ang nagbigay sa tseke kay DBP Branch manager Luzviminda Buduan at ang bangko na mismo ang magdedeposit sa SRA sa mga empleyado sa kanilang sariling bank account.

Sa pagbigay ni Keon sa tseke ay nakita mismo ni LCGH Chief of Clinics Dra. Mary Ann Luis at Administrative Officer Mr. Ferdinand Tungpalan, kasama na sina City Treasurer Mr. Deomedes Gayban, City Budget Officer Ms. Nelda Casas at City Accountant Ms. Loelyn Acain.

Nabatid na ang nasabing pera ay SRA ng mga empleyado mula Enero hanggang Hunyo 2021.

Samantala, hindi pa mabatid kung kailan ilalabas nga SRA ng mga empleyado sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon.