Aabot sa mahigit P1.4 billion na halaga ng pondo ngayong taon ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development para sa kababayan nating maaapektuhan ng el niño phenomenon.
Ayon kay DSWD Special Assistant to the Secretary for Special Projects Maria Isabel Lanada, ang naturang pondo ay gagamitin para sa mga inisyatiba ng ahensya na local adaptation to water access o project lawa at breaking insufficiency through nutritious harvest for the impoverished o project binhi.
Ang dalawang proyektong ito ng ahensya ay ang kanilang proactive interventions at sustainable solutions para laban ang kagutuman, kahirapan, at gayundin ang mabawasan ang economic vulnerability ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagtugon naman sa food security at water scarcity na dulot ng climate change o mga kalamidad.
Aniya, una nang nagkaroon ng pilot implementation ng project lawa noong nakaraang taon kung saan ginawa ito sa bahagi ng Davao de Oro sa Mindanao, Ifugao sa Luzon, at Antique sa Visayas.
Ayon sa opisyal ito ay angkop na pamamaraan o teknolohiya upang magkaroon ng water availability sa mga apektadong komunidad.
Kaugnay nito ay naniniwala naman si Lanada na magbibigay ng learining and development sessions sa Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction ang dalawang proyektong ito ng DSWD.
Gayundin ang cash for work and cash or training para sa mga benepisyaryo sa mga priority areas direktang expose at nakararanas ng matinding epekto ng el phenomenon. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)