-- Advertisements --
image 57

Nakatakdang ipagkaloob ng Bureau of Fire Protection ang kabuuang 53 na bagong fire trucks sa mga lalawigan sa buong bansa.

Nagkakahalaga ang bawat firetruck ng P14Million, kasama na ang mga firefighting accesories. Pawang gawa sa bansang Japan ang mga nasabing sasakyan.

Ayon kay BFP Directorate for Administration Chief Jesus Fernandez, ang mga ibibigay na firetrucks ay may kapasidad na 1,000 gallons.

Nabili naman ang mga ito sa pamamagitan ng regular funds mula sa BFP.

Umaasa ang pamunuan na sa pamamagitan nito ay lalo pang mapataas ang kakayahan ng mga bombero sa buong bansa na maprotektahan ang mga ari-arian at kapaligiran, laban sa mga mapaminsalang sunog.