-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 900 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Pakistan.
Nagresulta kasi sa matinding pagbaha ang ilang araw na pag-ulan.
Humingi naman ang tulong si Minister of Climate Change ng Pakistan na si Sherry Rehman sa mga bansa na sila ay tulungan.
Sa mga nasawi ay 326 dito ay mga bata.
Mula pa noong Hunyo ay nakakaranas na ng matinding pag-ulan ang Pakistan na kung saan apektado dito ang mahigit 2.3 katao na ikinasira na ng halos 100,000 na kabahayan.