-- Advertisements --
Nakatakdang ilikas ng Russia ang nasa 9,000 na kabataan sa border region na Belgorod dahil sa patuloy ang ginagawang pag-atake ng Ukraine.
Ang hakbang ay isang araw matapos na ianunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na nais nitong bumuo ng buffer zone para tulungang maprotektahan ang border region mula sa missile strike ng Ukraine.
Sinabi ni regional Governor Vyacheslav Gladkov na ang mga bata ay ililipat sa malayong lugar kung saan hindi naabot ng missile ng Ukraine.
Gumamit aniya ang Ukraine ng long-range firepower para tamaan ang oil refineriers at depots sa Russia.
Isinara na rin asng mga malls at ilang mga establishimento sa lugar dahil sa pag-atake ng Ukriane.










