-- Advertisements --
image 330

Handang-handa na ang Philippine Ports Authority sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na holiday season.

Sa isang statement ay sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na handa na ang kanilang kagawaran na sumalubong sa maraming mga pasaherong sakay ng mas maraming cruise ship na tatlong taong nahinto dahil sa pandemic-induced travel restrictions.

Aniya sa datos ay inaasahang aabot sa 40,000 pasahero ng cruise ship ang inaasahang dadaong sa huling quarter taon, kabilang na ang mga cruise company mula sa iba’t-ibang mga bansa.

Sa kabuuan, ang PPA ay mayroong projected data na mahigit 86,000 cruise ship passengers ngayong taon, mas mababa sa kalahati ng 213,765 na naitala nito bago ang pandemya noong 2019.

Kung maaalala, noong nakaraang taon ay lumago ng 156 porsiyento hanggang 59.07 milyon mula sa 23.08 milyon noong 2021 bilang na naitalang pasahero ng naturang tanggapan habang ang return of cruise ship naman sa taong ito ay inaasahang magpapalakas ng dami ng pasahero ng hanggang 25 porsiyento sa 2023.