-- Advertisements --

Muling nakatanggap ang bansa ng panibagong 864,000 na COVID-19 vaccine para sa mga bata na gawa ng kumpanyang Pfizer.

Ang nasabing mga bakuna ay donasyon ng Australia sa bansa sa pamamagitan ng UNICEF.

Dumating ito nitong gabi ng Biyernes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ngayong buwan pa lamang ay mayroon ng mahigit dalawang milyong bakuna ang natanggap ng bansa mula sa Australia.

Ang nasabing bakuna ay para mapaigting ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna sa mga bata laban sa COVID-19.