-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagsipa ng kaso ng COVID19 sa Pilipinas na may kabuuang bilang na 858.
Kaya naman, umakyat na ang aktibong tally ng bansa sa 5,293.
Batay sa pinakahuling datos, ang mga bagong impeksyon ay nagdala sa COVID-19 tally na may 4,091,854.
Habang ang active tally naman ay tumaas sa 5,293 mula sa 4,960.
Sinabi ng DOH na ang nationwide recovery tally ay tumaas sa 4,020,117, habang ang bilang ng mga nasawi ay nasa 66,444.
Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 2,536 na kaso, sinundan ng Calabarzon na may 1,148, Davao Region na may 445, Western Visayas na may 378, at Central Luzon na may 351.