-- Advertisements --
Nasa mahigit 80,000 na katao na ang lumikas palayo ng Rafah City sa southern Gaza.
Ito ay dahil sa military operations ng Israel Defense Forces.
Nagkakaroon na rin ng palitan ng putok sa pagitan ng Israel military at ang Palestinian armed groups sa silangang bahagi ng Rafah.
Papalapit na rin ang mga tangke ng Israel na nagbabanta ng pagbomba sa nasabing lugar.
Ikinakabahala ng United Nations ang kawalan ng pagkain at ilang mga pangangailangan dahil sa hindi sila nakakatanggap mula sa kalapit na crossing.
Una ng nakontrol ng mga sundalo ng Israel at kanilang isinara ang Rafah crossing sa bahagi ng Egypt mula ng magsimula ang kanilang operations.