Mahigit 8 milyong katao ang nagsagawa ng kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng US.
Tinawag nila ito bilang “No Kings” protest kung saan kinokontra nila ang mga polisiya na ipinapatupad ni US President Donald Trump.
Ilan sa mga polisiya ay kinabibilangan ng giyera sa Iran, paghihigpit sa immigration at ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
Mula Los Angeles, Boston, New York , Washington DC , Houston at maraming iba pa.
Kasama na rin ang Minnesota kung saan inalala nila ang mga nasawi na sina Renee Nicole Good at Alex Pretti na pinagbabaril ng federal immigration agents.
Nakilahok din sa protesta ang ilang mga showbiz personalities gaya nina actor Robert De Niro at singer na si Bruce Springsteen.
Naging mahigpit naman ang pagbabantay ng mga otoridad kung saan ilang indibidwal ang inaresto sa Los Angeles dahil sa tangkang pananakit sa mga otoridad.
Ginanap din ang mga kilos protesta sa ilang lugar gaya sa Paris, London at Lisbon, Portugal.
Nahigitan ng kilos protesta ngayon ang ginanap na “No Kings” protest noong Oktubre ng nakaraang taon.
















