-- Advertisements --

Nasa 8,500 na mga pulis ang nakatakdang ipapakalat ng Philippine National Police sa buong bansa sa darating na Pebrero 25, 2024.

Kasabay ito ng mga inaasahang mga aktibidad na may kaugnayan sa ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong taon.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., target nitong magpakalat ng nasa humigit-kumulang 2,500 police personnel sa Cebu, habang mayroon ding inihahandang nasa humigit-kumulang 6,000 na kapulisan sa Metro Manila.

Ngunit gayunpaman ay nilinaw ng hepe ng Pambansang Pulisya na ang naturang bilang ng mga pulis na idedeploy sa naturang araw ay posible pa ring magbago depende sa magiging intelligence report na makakalap ng pulisya.

Samantala, kaugnay nito ay sinabi rin ni PNP Chief Acorda na magpapatupad ng maximum tolerance ang kapulisan kasabay ng apela sa mga grupong makikiisa sa mga kilos protesta at iba pang aktibidad na idaos ito ng mapayapa.