
Nasa kabuuang mahigit 7,510 trabaho ang nag-aantay para sa mga aplikante sa nakatakdang kauna-unahang Philippine Tourism Jobs fair ngayong buwan.
Ayon kay Department Of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco, ang pre-registration para sa Trabaho, turismo, Asenso! Jobs Fair ay bukas na para sa mga job seekers sa Manila, Cebu at Davao City.
Ang naturang job fair ay ang flagship employment program ng DOT at ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa pre-registration process malalaman ng mga job seekers ang mga participating establishments at companies para matukoy ang linya ng trabaho na kanilang nais na pasukan.
Ang first leg ay gaganapin mula Setyembre 22 hanggang 24 sa SMX Convetion Center Manila sa lungsod ng Pasay.
Habang ang mga job seekers naman para sa Cebu at Davao ay gaganapin sa Setyembre 22 hanggang 23 ay sa SM City Cebu at Abreeza Mall Davao.
Sa ngayon, nasa 147 establishimento mula sa tatlong mga lokasyon ang nagpahayag na ang kanilang intensiyon para makilahok sa initial run ng job expo.
Ayon kay Frasco, as of September 16, karamihan sa mga participating companies ay mga accommodation establishments, travel and tour services, Meetings, incentives, convetions and exhibitions facilities and organizers, tourist transport operators, health and wellness services, restaurant/food services, at ib apang tourism-related establishments.
Nasa 3,367 trabaho ang magbubukas sa NCR, Calabarzonat Mimaropa habang nasa 1,633 mula sa Visayas at 2,510 trabaho mula sa Mindanao.