Iniulat ng National Disaster Rik Reduction and Management Council na umakyat na sa mahigit 72-libong mga kabahayan na ang napinsala ng pananalasa ng bagyong Egay sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensya, aabot na sa 72,473 ang kabuuang bilang ng mga kabahayang nasira nang dahil sa nasabing bagyo sa Metro Manila.
Mula sa naturang bilang nasa 4,632 ang mga napaulat na lubos na napinsalang mga kabahayan habang nasa 67,841 naman ang bilang ng mga kabiang sa mga partially damaged.
Samantala, bukod dito ay aabot din sa 3.6 billion pesos na halaga ng pinsala ang naitala sa 573 pinasala sa imprastraktura na karamihan ay naitala sa Cordillera Administrativ Region.
Habang nasa 2.9billion pesos naman ang halaga ng pinsalang idinulot pa rin ng supertyphoon Egay sa agrikultura na nakaapekto naman sa nasa 108,729 na mga magsasaka at mangingisda.