Inihayag ng Department of Affairs na hindi bababa sa 730 Pilipino ang nailikas na sa kabisera ng Sudan na Khartoum habang ang patuloy pa rin ang nagaganap na sigalot.
Sa bilang na ito, nasa 474 ang ligtas na naiuwi sa Pilipinas at 95 dito ay nakarating sa Maynila noong nakaraan lamang.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Migrant Workers Affairs Paul Cortes na mas maraming batch ang nakatakdang dumating sa Maynila sa buong linggo.
Aniya, ang iba pang batch ay nasa Cairo at yung iba naman ay patungong Port Sudan na kung saan sasakay sila ng barko na ibinigay ng gobyerno ng Saudi Arabia.
Sinabi ni Cortes na mapapadali ng DFA ang kanilang repatriation kapag naisakay sila ng barko sa Jeddah.
Umabot sa 864 ang bilang ng mga rehistradong Pilipino sa Sudan simula nang sumiklab ang armadong sagupaan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at paramilitary Rapid Support Forces sa kabisera noong Abril 15.
Una nang sinabi ni Cortes na nasa 50 hanggang 60 Pilipino ang nananatili sa estado ng North Africa ngunit ang ilan sa kanila ay nagpapahiwatig na ng intensyon para lumikas.