-- Advertisements --
dswd 3

Binigyang diin ng Department of Social Welfare and Development na naglaan ito ng hindi bababa sa 70,000 family food packs (FFPs) para ipamahagi sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) na apektado ng super typhoon Goring sa bahagi ng Cagayan Valley.

Ayon sa DSWD, 41,480 relief items ang naipamahagi na sa iba’t ibang LGU sa rehiyon bago pa man nakapasok ang bagyo sa area of responsibility ng bansa noong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan ay mayroong 2,611 pamilya na naapektuhan ng bagyong Goring, na katumbas ng 8,547 indibidwal na sumasaklaw sa apat na malalaking lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Ayon sa departamento, mayroon 30,074 FFPs na ang nakahandang i-deploy mula sa limang bodega sa Cagayan VAlley bukod pa sa 41,480 food packs na inilagay sa mga LGUs.

Ang mga family food packs ay prayoridad na ipinamahagi sa mga apektadong pamilya sa mga komunidad sa baybayin ng Aparri, Gonzaga, at Palanan, gayundin lahat sa matinding apektadong lalawigan dulot ng Bagyong Goring.

Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan na ang iba’t-ibang ahensya sa mga LGU upang matugunan ang mga kinakailangan ng mga residenteng apektado ng sama ng panahon.