-- Advertisements --
Mayroong mahigit 7,000 na sundalo ng Ukraine ang sumailalim sa pagsasanay sa US mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.
Sinabi ni Pentagon spokesman Brig. Gen. Patrick Ryder na nitong linggo lamang ay mayroong 65 na Ukrainians ang sumailalim sa pagsasanay sa operasyon ng Patriot air defense system sa Fort Sill, Oklahoma.
Bukod pa dito ay mayroong mahigit 4,000 na sundalo ng Ukraine ang nakapagtapos na rin ng kanilang pagsasanay sa Germany kabilang ang dalawang brigada na ang isa ay armado ng Bradley Fighting vehicles habang ang isa ay Stryker vehicles.
Umaasa rin ito na sa mga susunod na buwan ay may ilang mga batch pa ng mga sundalo ang sasailalim ng pagsasanay nila.










