-- Advertisements --

Pinangunahan ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang pagwasak sa 7,371 mga sira-sirang armas sa Kampo Crame kanina.
Ang mga ito ay isinuko o nakumpiska ng PNP sa kanilang mga operasyon.
Sa nasabing bilang 6,338 na mga armas ang hindi na maaaring isailalim sa repair habang 1,033 naman ay mga BER weapons.
Sinabi ni Sinas, ang pagwasak sa sari-saring mga bariil ay para masiguro na hindi maging panganib sa kaligtasan ang mga nakatambak na armas.
Paliwanag ni PNP Director for Logistics, Major General Angelito Casimiro, ang mga piraso ng winasak na armas ay ibebenta bilang scrap para ma-recycle.
















