-- Advertisements --
image 84

Matagumpay na nakumpiska ng Bureau of Customs ang 1, 368 reams ng assorted na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng 684,00 sa Polomolok , South Cotabato.

Ang naturang operasyon ay isinagawa sa koordinasyon ng Customs Intelligence Investigation Service at Enforcement Security Service ng kawanihan , katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group South Cotabato Provincial Field Unit at Polomolok Municipal Police Station.

Nakumpiska ang mga sigarilyo matapos ang isinagawang entrapment operation na isinagawa ng Flagship Project ng Criminal Investigation and Detection Group “Oplan Mega Shopper,”

Layunin nitong proyektong ito na labanan ang smuggling, manufacturing, distribution, at trading ng mga pekeng produkto.

Matapos ang pagkakasamsam sa naturang item ay kaagad naman inirekomenda ang paglalabas ng Warrant of Seizure and Detention para sa mga nakumpiskang sigarilyo.

Samantala. inihahanda na rin ng mga kinauukulan ang mga kaukulang kasong kriminal laban sa mga kinilalang responsableng indibidwal.