-- Advertisements --

Inihayag ng DMW na may kabuuang 644 na overseas Filipino worker ang naiuwi mula sa Kuwait mula noong buwan ng Mayo.

Sinabi ni DMW Undersecretary Hans Cacdac na hindi niya makumpirma ang mga ulat na may 302 Pinoy ang pina-deport ng Kuwaiti government kamakailan.

Aniya, may inaasahan pa ang kanilang departamento na dalawang flights na paparating sa bansa sa Hunyo 8.

Ang mga OFW na ito ay ineendorso sa Kuwaiti Ministry of the Interior at sa immigration department pagkatapos na ma-iproseso.

Kung matatandaan, hiniling ng gobyerno ng Kuwait na isara ng Pilipinas ang mga shelters ng mga migrant workers na tumatakas mula sa kanilang mga amo.

Ngunit ang Maynila ay nanindigan sa pagpapanatili ng mga shelters.

Sinabi ng DFA na ang lahat ng mga aksyon na ginawa ng Embahada ng Pilipinas at pamahalaan ay”para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.