Tinamaan ang mahigit 60 targets sa 16 na kuta ng Houthi rebels sa Yemen matapos paulanan ng air at sea strikes ng Estados Unidos at Britaniya bilang ganti sa ilang linggong pag-atake ng grupo sa mga barko sa Red Sea.
Ayon kay US Air Forces Central Commander Lt. Gen. Alex Grynkewich, kabilang sa mga asset ng Houthi rebels na tinamaan ay ang command at control nodes, munitions depots, launching systems, production facilities, at air defense radar systems.
Mahigit 100 precision-guided munitions na magkakaibang klase ang ginamit sa pag-atake sa Houthi group ayon sa US official.
Kabilang ang USS Florida na isang guided missile submarine ang naglunsad ng pag-atake sa Yemen
Ito ang itinuturing na kauna-unahang paglulunsad ng US ng strike laban sa Houthi rebels sa Yemen.
Suportado naman ng ibang mga bansa tulad ng Australia, Bahrain, Canada at the Netherlands ang naging pag-atake ng 2 estado sa rebeldeng grupo.
Una rito, sinabi ni US Pres. Joe Biden na ang targeted strikes na ito ay isang malinaw na mensahe na hindi kukunsintihin ng Estados Unidos at mga kaalyado nito ang ginagawang pag-atake sa kanilang personnel at hindi papayagan ang mga kalaban na mailagay sa panganib ang kalayaan sa paglalayag.
Samantala, sa panig naman ng Iran na sumusuporta sa Huothis, mariing nitong kinondena ang naturang pag-atake habang sinabi naman ng tagapagsalita ng Houthi group na hindi aniya makatwiran ang pag-atake laban sa kanila at iginiit na ipagpapatuloy ng kanilang grupo ang pag-target sa mga sasakyang pandagat na (With reports from Bombo Everly Rico)