Pinangangambahang aabot sa mahigit 60 migrants ang nasawi sa karagatan ng Cape verde sa West Africa.
Nasa 38 pasahero kabilang ang 4 na bata ang nasagip na lulan ng natagpuang bangka na sinakyan ng mga migrant.
Halos lahat ng mga sakay ng bangka na nasa karagatan sa loob ng mahigit isang buwan ay pinaniniwalaang mula sa Senegal habang ang iba pang pasahero ay mula sa Sierra Leone at isa mula sa Guinea-Bissau.
Unang namataan ang naturang bangka noong araw ng Lunes. Sa inisyal na ulat tumaob umano ang naturang bangka subalit nilinaw ng mga awtoridad kalaunan na natagpuang ng isang Spanish fishing boat na naanod umano ang bangka sa 20km (200 miles) ng Sal, parte ng Cape Verde.
Bunsod nito, umaapela ang mga opisyal ng Cape Verde para sa pandaigdigang aksiyon sa migration para maiwasan ang pagkawala pa ng mas maraming buhay.