-- Advertisements --
Patay ang mahigit 60 na migrants matapos na lumubog ang bangka na kanilang sinakyan sa karagatan ng Libya.
Ayon sa International Organization for Migration (IOM) na galing sa Zuwara City ang bangka na may lulan ng 86 katao.
HInampas ng malakas na alon ang bangka kaya ito lumubog.
Mayroong 61 migrants kabilang ang mga bata ang nawawala at pinaniniwalang patay na.
Ang Libya kasi ay main departure ng mga migrants na tumatawid sa Mediterranean at sinusubukang pumasok sa Europa.
Base sa pagtaya ng IOM na hindi bababa sa 2,200 na migrants na ang nalunod na habang tinatangka nilang tumawid ngayong taon.