-- Advertisements --
Magpapakalat ng nasa 6.000 na mga kapulisan sa paligid ng Batasang Pambansa sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, hiwalay pa sa nasabing bilang ang mga naka-deploy sa ibang lugar para matiyak ang seguridad sa Metro Manila laban sa mga kriminal.
Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at House of Representatives (HoR) para matiyak na hindi malulusutan ang ilalatag nilang security.
Nagsagawa na rin pag-uusap ang PNP sa ilang progresibong grupo na papayagang magsagawa ng kilos protesta sa Commonwealth Avenue sa Quezon City sa Hulyo 24 ang araw ng SONA ni Pangulong Marcos.