Inaasahang madagdagan pa ang bilang ng mga probinsya sa bansa ang makakaranas ng matinding init ng panahon sa pagtatapos ng buwan Pebrero 2024.
Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng state weather bureau, tinatayang aabot sa kabuuang 52 mga probinsya ang inaasahang makakaranas ng El Nino phenomenon sa bansa sa naturang panahon.
Kinabibilangan ito ng 24 na mga probinsya sa Luzon, isang probinsya sa Visayas na potensyal na magkaroon ng meteorological drought conditions, 17 inaasahang makakaranas ng dry spell, at 10 probinsya na potensyal ding makaranas ng dry conditions.
Narito ang mga sumusunod na probinsyang inaasahang makakaranas ng drought:
– Luzon: Abra, Apayao, Aurora, Bataan, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Metro Manila, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quirino, Rizal, Zambales
– Visayas: Negros Occidental
DRY SPELL:
-Luzon: Batangas, Laguna, Masbate, Oriental Mindoro
-Visayas: Antique, Biliran, Capiz, Cebu, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Oriental, Samar
-Mindanao: Lanao del Norte, Sulu, Tawi-Tawi
Dry Conditions
– Luzon: Bulacan
– Visayas: Bohol, Siquijor, Southern Leyte
– Mindanao: Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay
Ayon sa mga eksperto, inaasahan ang peak ng El Nino phenomenon ngayong buwan kung saan inaasahang papalo sa 35% hanggang 50% ng Pilipinas ang makakaranas ng below-normal na rainfall conditions.
Bukod dito ay posible ring maging mas malala pa anila ang sitwasyong maranasan ngayong Pebrero 2024 kumpara noong Enero 2024 batay sa kanilang assessment.