-- Advertisements --

Nasa mahigit 500 milyon COVID-19 vaccines ang naibigay ng US sa ibang bansa.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken, libre itong naipamahagi ng US sa mahigit 110 bansa sa buong mundo.

Target din ng US na gawing 1.1 bilyon doses ng COVID-19 vaccines ang ibibigay bilang donasyon.

Magmula ng magsimula umano ang COVID-19 pandemic ay namahagi na ang US ng nasa halos $20 bilyon sa health, humanitarian at economic assistance sa mahigit 120 bansa.