-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang 549,810 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Pasado alas ots nitong gabi ng Miyerkules ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong sinakyan ng mga bakuna.

Pinangunahan ni vaccine czar Carlito Galvez ang pagsalubong sa mga dumating na bakuna.

Ayon kay Galvez na umaabot na nasa 164 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap na ng bansa.

May sapat na suplay ang bansa ng bakuna ng hanggang Agosto 17.