-- Advertisements --
Aabot sa 50 metrong mga underwater pipeline ang nasira sa Nord Stream 1.
Sa inilabas na Norweigan robotics company na maikikita ang malakawang pagkasira ng tubo ng Nord Stream 1 ang nagsusuplay ng gas mula Russia patungong Germany.
Naniniwala ang mga Danish police na ang malakas na pagsabog ay siyang nagpasabog sa apat na butas sa tubo kasama ang Nord Stream 2.
Wala pang idea ang mga otoridad kung paano at sino ang nasa likod ng nasabing pag-atake sa pipeline.
Magugunitang inakusahan ng Ukraine ang Russia na sila ang nasa likod pananabotahe ng nasabing pipeline ng pangunahing supplier sa Germany.