-- Advertisements --

Isang buwan matapos ang tumamang malakas na magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria noong Pebrero 6, nasa 50,000 katao ang namatay at milyun-milyon ang nawalan ng bahay habang nasa 214,000 gusali ang gumuho o nasa panganib.

Nasa 11 probinsiya ang nagtamo ng pinsala at nakapagtala casualties sa Turkey pa lamang at miyong katao ang nananatiling nangangailangan ng tulong.

Inaasahang madadagdagan pa ang death toll dahil marami pang mga biktima ng lindol ang kinunumpirma pa ang pagkakakilanlan at hindi pa naitatala na nasawi.

Samantala, nasa 1000 katao naman ang pinagsusupetsahang lumabag sa construction regulations, aabot sa 235 katao ang naaresto, 330 ang minomonitor sa ilalim ng judicial control at apat ang nasa pretrial detention.

Nasa 270 iba pang suspek ang inisyuhan ng arrest warrants, lima ang nasa ibang bansa, 82 ang pinalaya habang nasa 32 dito ng nasawi na.

Ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) , nasa 5 million bata ang apektado ng lindol.

Sa data mula sa Family and Social Services Ministry ng Turkey, nasa halod 2,000 bata ang nasagip mula sa mga gumuhong gusali, mahigit 1,500 ang naibalik na sa kani-kanilang pamilya, halos 100 ang nananatili sa pangangalaga ng ministry at 81 ang hindi pa natutukoy.