-- Advertisements --
Nakatakdang ma-repatriate pabalik ng Pilipinas ang mahigit 50 distressed overseas Filipino workers mula sa Kuwait.
Ang repatriation ng nasa 54 na Pilipino na nananatili ngayon sa Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center ay parte ng repatriation program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Nakaantabay naman ang OWWA repatriation team para asistihan ang mga papauwiing OFWs pagdating sa kanilang mga dokumentasyon at customs formalities sa airport.
Gayundin mayroong naka-stand by na medical teams para tulungan ang mga OFWs sa kanilang medical needs.
Tiniyak naman ng OWWA na tutulungan ang mga OFWs na makabalik sa kani-kanilang probinsiya at bibigyan ang mga ito ng financial assistance.