-- Advertisements --
image 129

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na nakapagparehistro na ang nasa mahigit 46,000 Pilipino sa ibang bansa para sa susunod na national elections.

Ayon sa poll body, mula ng buksan ang pagtangap ng mga aplikasyon para sa overseas voters noong Disyembre 9 ng nakalipas na taon, ang kabuuang bilang ng registration turnout ay pumapalo na sa 46,442 base sa datos noong Hulyo 6.

Ang pinakamataas na bilang ng voter registrants ay mula sa North at Latin America na nasa 16,851, sinundan ng mga Pilipino sa Middle East at africa na nasa 11,011 applicants.

Mayroon ding halos 9,000 Pinoy ang nagpatala mula sa asia Pacific at 7,055 mula sa Europa, 2,604 naman ang naghain ng kanilang aplikasyon sa Office for Overseas Voting ng Comelec.

Maaalala na itinakda ng poll body ang period ng aplikasyon para sa overseas voter registration mula Disyembre 2022 hanggang Setyembre 2024.