-- Advertisements --
Ikinabahala naman ng United Nations ang pagdami ng mga gusali at kabahayan na masisira dahil sa kaguluhan sa Gaza.
Base sa pagtaya ng UN na mula ng sumiklab ang gulo sa Israel at Hamas noong Oktubre 7 ay umabot na sa mahigit 46,000 na kabahayan ang nasira at mahigit 234,000 na kabahayan ang bahagyang nasira.
Dahil sa nasabing pagkasira ng mga kabahayan ay maraming mga mamamayan ng Gaza ang nawalan ng tirahan.
Una ng sinabi rin ng UN na ilang bilyon dolyar ang kailangan para muling maibangon ang mga nasirang kabahayan.