-- Advertisements --
image 105

Pumalo na raw sa 42,000 ang bilang ng mga nabiyayaan ng Department of Labor and Employment in Central Luzon (DOLE Region 3) para sa mga manggagawang naapektuhan ng bagyong Karding.

Ayon kay DOLE Region 3 Regional Director Geraldine Panlilio, nasa P476 million ang inilaan ng ahensiya para sa emergency employment program sa naturang rehiyon matapos manalasa ang naturan bagyo.

Ilan naman daw sa mga manggagawa ang naka-employ para sa minimum na 10 araw para mag-assist sa clearing, cleaning, de-clogging ng mga canal, debris segregation, materials recovery at iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa rehabilitasyon ng kanilang mga komunidad.

Nakapamahagi na rin daw ang mga ito ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa mga biktima ng bagyo.

Ang TUPAD isang institutionalized program na ipinatutupad lalo na sa kapag mayroong mga kalamidad gaya ng bagyo at lindol.

Ito ay community-based amelioration program na nagbibigay ng emergency employment para sa mga displaced, underemployed at seasonal workers para sa minimum period ng 10 days at maximum naman na 30 araw depende sa nature ng trabaho na dapat i-perform.

Nagpapatuloy pa rin naman daw ang pagpapatupad sa iba pang mga proyekto at nasa 42,000 beneficiaries na ang natulungan.

Inaasahan naman daw na magpapatupad pa sila ng mga programa para sa Central Luzon at makikinabang dito ang P36,000 beneficiaries.

Ang mga ibibigay namang sahod ay base sa inimum wage sa rehiyon.

Maliban sa TUPAD program, sinabi ni Panlilio na nakikipag-ugnayan na rin sila sa Technical Education and Skills Development (TESDA) para sa mga workers sa rehiyon para ma-upgrade ang skills ng mga manggagawa.