-- Advertisements --

Magpapamahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng mahigit 400,000 ektarya ng lupang sakahan sa mga benepisyaryong magsasaka sa pamamagitan ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project.

Ang naturang P24.62-billion project na pinondohan ng World Bank at ng gobyerno ng Pilipinas ay layuning malinang ang land tenure security at ma-stabilize ang property rights ng nasa 1.14 million agrarian reform beneficiaries (ARBs) sakop ang 1.36 million hectares ng lupain sa buong bansa.

Ayon kay Engineer Joey Sumatra, DAR Assistant Secretary for Field Operations at SPLIT project national director, tinatayang nasa 30% ng agrarian reform beneficiaries na nakalista sa Collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAs) ay wala na sa lugar kung saan ipinagkaloob ang landholdings o pagmamay-ari sa lupa dahil may iba na inabandona na, namatay o ibinenta na sa iba ang kanilang property rights.