-- Advertisements --
Aabot na sa 435 katao na ang nakaranas ng pagkahilo dahil sa pagpila ng ilang oras para makita ang bangkay ni Queen Elizabeth II.
Ayon sa London Ambulance Service na ang ansabing bilang ay naitala sa magkakahiwalay na araw at oras sa kahabaan papasok sa Westminster Hall.
Agad na dinala ang mga ito sa pagamutan kung saan ang iba ay nagtamo ng sugat sa ulo matapos na matumba dahil sa labis na pagkahilo.
Maaring nakaranas ang mga ito ng pagkauhaw kaya patuloy ang panawagan ng mga otoridad na uminom ng maraming tubig.
Dahi sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tao ay nagdagdag sila ng mga emergency responders sa lugar.
Inaasahan pa ng mga otoridad na sa mga natitirang araw ay lalong dadami ang tao.