-- Advertisements --
Mayroong mahigit 400,000 na mga Filipino ang nakatakdang kumuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa susunod na linggo, Marso 26.
Ayon sa Civil Service Commission, na mayroong 350,647 o 88.89 percen sa mga dito ay kukuha ng professional exam habang ang natitira ay sub-professional exam.
Ang nasabing pagsusulit ay isasagawa sa 86 na mga testing centers sa bansa.
Pinayuhan ng CSC ang mga kukuha ng nasabing pagsusulit na dapat ay maging updated lagi sa mga anumang anunsiyo na maaring ilabas nila sa mga susunod na araw.










