-- Advertisements --
Aabot sa 46 na mga Muslim inmates o deprived of liberty (PDL) ang napalaya mula ng magsimula ang Ramadan.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang na 20 sa mga dito ay natapos na ang kanilang hatol habang 12 ay na-acquit samantalang lima naman ang sumailalim sa good conduct time allowance, lima ang napalaya sa ilalim ng probation at apat ang nabigyan ng parole.
Inaasahan pa na ito ay madadagdagan dahil may ilan na ang nakapila sa reccomendation for pardon.
Paglilinaw nito na hindi naiiwan ang mga kapatirang Muslim gaya ng mga ordinaryong PDL.