CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga kasapi ng Police Regional Office 2 ang 41 katao na nagbebenta ng overpriced medical supplies at paglabag sa ipinapatupad na Enchanced Community Quarantine.
Ayon kay Police Brig. Gen Angelito Casimiro na mas mahigpit ang pagpapatupad ng Enchanced community Quarantine sa pamamagitan ng mahigpit na pagmomonitor ng presyo ng mga medical supplies.
Anya, karamihan sa mga nadakip ay mula sa lalawigan ng Cagayan at isa sa Nueva Vizcaya.
Aabot sa 33 katao ang dinakip dahil sa pag-inom ng alak, 6 ang lumabag sa ipinapatupad na curfew hour at isa ang nadakip na nagbebenta ng overpriced medical supplies.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Police Regional Office 2, dinakip ang isang Samuel Malupeng matapos na magbenta ng overpriced na alcohol sa Barangay centro 10, Tuguegarao City.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 150 bottles ng alcohol na ibinebenta sa halagang P340.00 buy bust money, isang cellphone at isang motorsiklo na ginagamit sa kanyang transaksiyon.
Si Malupeng ay ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7581 (“Price Act”).