Inaasahang sasamantalahin ng libo-libong mga combatants ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at communist terrorist groups (CTGs) ang alok ng pamahalaan na amnestiya para sa kanila.
Ito ang pagtaya ng National Amnesty Commission (NAC), habang patuloy pa nilang hinihintay ang executive order ni PBBM para sa mga magbabalik-loob.
Paliwanag ng Komisyon na kailangan ng isang bagong amnesty proclamationpara mapalawig ang pag-proseso nila sa mga nagbabalik loob na rebelde.
Nauna na kasing nagpaso nitong buwan ng Enero ang amnesty proclamation na inisyu ng Pangulo ng Pilipinas noong 2021.
Ayon naman kay NAC executive director Maria Victoria Cardona, posibleng aabot sa 40,000 combatants ang makikinabang dito.
Paliwanag ni Cardona, ang paglalaan ng amnestiya sa mga kwalipikadong indibidwal ay katulad ng paggawad ng pardon para sa mga kwalipikado.
Katulad din ng Pardon, may mga krimen na hindi maaaring isailalim sa pagpapatawad ng Amnestiya. Kinabibilangan ito ng mga drug-related crimes, kasama na ang genocide, crimes against humanity, war crimes, tortire, enforced disapperance, at iba pang human rights violation.
Maalalang noong ikalawang SONA ni PBBM ay nabanggit ng pangulo na maglalabas siya ng bagong amnesty proclamation, kasabay ng panawagan sa kongreso na apprubahan ito.