Hindi bababa sa 3,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang naapektuhan ng New Year’s Day crisis na nag-ground at nag-divert ng mga flight papunta at pabalik ng Pilipinas, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na lahat ng mga OFW na ito ay nabigyan ng tulong para sa rebooking ng kanilang mga flight, habang nasa 400 sa kanila ang nangangailangan ng tulong sa mga hotel accommodation.
Binigyan din ng tulong sa pagkain at transportasyon ang mga stranded migrant workers.
Dagdag ni Cacdac, piniling ng mga naapektuhan na bumalik sa kanilang mga tahanan o pansamantalang manatili sa kanilang mga kamag-anak matapos makansela o maantala ang kanilang mga flight noong Linggo.
Aniya, personal nilang sinuri ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio ang mga OFW na na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Una na rito, karamihan sa mga nagambalang flight na nakaapekto sa mga OFW ay papunta at mula sa Middle East at Asia.