-- Advertisements --
MAYON EVACUEES

Pumalo na sa mahigit 39,000 mga indibidwal ang apektado ngayon ng Bulkang Mayon sa Bicol region, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ito ay matapos na makapagtala ang kagawaran ng kabuuang bilang na 39,057 na mga indibidwal o 10,171 na mga pamilya mula sa 26 na barangay sa Bicol ang naaapektuhan ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, sa ngayon ay nasa 18,899 katao o 5,466 na mga pamilya ang nananatili ngayon sa 28 evacuation centers, habang nasa 1,322 na mga indibidwal naman o 377 pamilya ang pansamantalang nakikituloy sa iba pang mga lugar.

Bukod sa mga ito ay isinailalim din sa preemptive evacuation ang nasa kabuuang 908 na mga livestock animals sa lugar.

Samantala, sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang 18 lungsod at munisipalidad sa Albay nang dahil pa rin sa banta ng Bulkang Mayon.