-- Advertisements --

Nakapagtala ngayong araw ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 313 volcanic earthquakes sa bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 na oras.

Una rito, Ang alert status sa Bulusan ay nasa Alert Level 1.

Sa inilabas na latest bulletin ng Phivolcs ngayong araw, nagbuga ang bulkan ng 279 tonelada ng sulfur dioxide sa isang araw batay sa huling tala noong Setyembre 29.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon sa publiko na istriktong ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng Bulusan volcano.

Ipinagbabawal din ang pagpasok sa 2-kilometer extended danger zone sa southeast na bahagi ng bulkan dahil sa mataas na posibilidad ng biglaan at mapanganib na phreatic o steam-driven eruptions.