-- Advertisements --

Mahigit 300 katao kabilang ang mga mambatatas ang inaresto sa Kenya matapos ang naganap na marahas na kilos-protesta.

Nanawagan kasi si opposition leader Raila Odinga ng kilos protesta laban sa gobyerno ni President William Ruto dahil sa pagtaas ng buwis at ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Nagkasagupa ang mga protesters at pulis sa capital ng Kenya sa Nairobi matapos na ituloy ng gobyerno ang taas presyo ng mga bilihin kahit na mayroong utos ang korte na pumipigil dito.

Inakusahan din nila ang mga kapulisan na gumamit ng puwersa at mga armas gaya ng tear gas kung saan ilang mga bata ang naapektuhan na dinala ang mga ito sa pagamutan.

Sinabi naman ni Interior Minister Kithure Kindiki na hindi nila papayagan na magkaroon ng kaguluhan sa kanilang bansa kaya inaresto nila ang ilang mambabatas na nagpasimuno ng kilos protesta laban sa gobyerno.