-- Advertisements --
image 133

Inaasahang mapalaya ang 318 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ngayong taon alinsunod sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na hinihintay na lamang ng mga bilanggo ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos upang mabigyan sila ng clemency, pardon at commutation of sentence.

Magugunitang, unang napalaya ang 371 na Persons Deprived of Liberty (PDL) noong September 13 dahil sa maayos na record sa detensyon at base sa iba pang kondisyon na nakasaad sa batas.

Inataasan din ni Remulla ang Bureau of Corrections (BuCor) na dalasan ang pagbibigay ng karpeta sa Parole and Probation Administration (PPA) at Public Attorney’s Office (PAO) na bilisan ang pagpapalaya sa mga nakapiit sa mga detention centers, city jail at provincial jail gayundin ang mga may dinidinig ang kaso na puwede naman ng pakawalan.

Nauna nang sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) na target nilang makapagpalaya ng bagong batch ng PDLs sa Oktubre 25, Nobyembre at sa araw ng Pasko.