Ibinunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 308 na mga pekeng birth certificates ang ginamit para sa pagkuha ng pasaporte ngayong 2023.
Kasunod ito sa pagkakatuklas sa ilang dayuhan na naaresto sa iligal na POGO na mayroon silang mga birth certificate at ilang legal na dokumento.
Sinabi ni Senator Sonny Angara, na peke ang registration mula sa local level.
Isa sa pitong dayuhan ang may tunay na birth certificates at ginamit nito ang pangalan ng isang Filipina mula sa Sta. Cruz, Zambales.
Magugunitang noong nakaraang Linggo ay sinabi ng Department of Foreign Affairs na may ilang foreign nationals ang nagpapanggap ng Filipinos sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang authentic at genuine PSA birth certificate na mayroong valid government ID na tinanggap sa pag-apply ng pasaporte.