-- Advertisements --

N

image 393

Nasa mahigit 300 informal settler families (ISFs) na maaapektuhan ng malawakang flood-control projects sa Metro Manila ang tiniyak na mabibigyan ng maayos na relocation para sa desinteng pabahay.

Ito ay matapos na lumagda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa isang kasunduan para sa pagbibigay ng pabahay ng 350 informal settlers mula sa lungsod ng Malabon at Manila.

Nagkakahalaga ang naturang hosuing projects ng P340.60 million.

Base sa kasunduan, ang DPWH ang maglalabas/ maglilipat ng halagang P283.6 million sa National Housing Authority para pondohan ang apat na gusali para sa resettlement ng nasa 274 kwalipikadong informal settler families mula sa walong barangay sa Malabon.

Habang ang P56.78 million na halaga naman ay ililipat sa National Housing Authority para sa relocation ng karagdagang 76 informal settler families sa Maynila.

Ang mga informal settlers na maapektuhan ay bunga ng isasagawang Metro Manila Flood Control Management Project Phase 1 na pinondohan ng World Bank at Asian Infrastructure Investment Bank na layong gawing moderno ang existing drainage areas sa NCR sa pamamagitan ng rehabilitasyon at pag-upgrade sa 36 existing pumping stations at paglalagay ng 20 bagong pumping stations.

Layunin din nito na mabawasan ang solid waste sa waterways at matiyak ang participatory housing at resettlement para sa project-affected families.