-- Advertisements --

Sumailalim sa arthroscopic surgery ang star forward ng Philadelphia 76ers kung saan inoperahan ang kaniyang kaliwang paa.

Nakuha ni George ang naturang injury habang nasa kalagitnaan ng training ngayong offseason.

Ayon sa Sixers, naging matagumpay ang operasyon ng naturang guard at inaasahang sasailalim na rin siya sa rehabilitasyon kaagad. Muling itong sasalang sa evaluation bago ang nakatakdang pagsisimula ng training camp ng naturang koponan.

Sa kasalukuyan ay naka-pirma si George sa apat na taong kontrata kasama ang Sixers. Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $212 million.

Inaasahan ng koponan na makakapaglaro ito sa 2025-2026 season, ang kaniyang ika-16 na season sa NBA mula nang ma-draft noong 2010.

Sa kaniyang karera sa liga, nagawa niyang magposte ng 20.6 points per game.