Aabot sa mahigit 30 katao ang sinampahan ng sanctions ng Estados Unidos nang dahil sa mga naging paglabag ng mga ito sa karapatang pantao.
Sa isang pahayag ay sinabi ni United States Secretary of State Antony Blinken na aabot sa 37 ang bilang ng mga indibidwal mula sa 13 mga bansa ang pinatawan ng U.S. Treasury and State Department ng sanctions at visa restrictions.
Kabilang sa mga ito ay ang ilang Iranian officers na umano’y sangkot sa pagta-target sa mga U.S. officials.
Kung maaalala, sa nakalipas na mga taon ay umabot na rin sa mahigit 150 na mga indibidwal at mga entities mula sa iba’t-ibang mga bansa ang pinatawan na rin ng sanctions ng Estados Unidos tulad na lamang ng pag-freeze sa kanilang US assets nang dahil pa rin sa pagkakasangkot ng mga ito sa mga isyu na may kaugnayan sa pang-aabuso sa karapatang pantao.